Ang kuwentong palaboy ay isang blog kung saan wala kang matututunan. Kung ang nais mo ay panay mga porno at mga tsismis sa artista ay maling address ang napuntahan mo. Ang blog na ito ay para sa mga taong non-sense, walang imahinasyon at higit sa lahat mga palaboy na walang ibang ginawa kundi ang magpalaboy-laboy sa mga kalye.Inuulit ko wala kang matututunan sa site na ito.

FAQ's

Frequently Asked Questions
1. Ano ang kuwentong palaboy?
      "Simple lang. Isang blog"

2. Bakit kuwentong palaboy?
      "Simple lang din. Trip ko lang"

3. Tagalog lang ba ang kuwentong palaboy?
      " Hindi. Sa nalalapit na panahon ay mag-iingles din. 
         Try mo  muna gumamit ng Google Translate"

4. Bakit hindi ka matino kausap?
      "Sa tingin mo matino ka ba?"

5. Gaano kadalas magkaroon ng bagong post?
      " Try mo magtanong sa Meralco kung 
kailan sila maglalagay ng bagong poste"

6. Paano nabuo ang kuwentong palaboy?
"Tinatanong pa ba yan? 
Siyemre nabuo gamit ang computer"

7. May susunod pa bang tanong?
" Ikaw kaya ang nagtatanong. 
Ba't ako tatanungin mo?"

8. Ano ang pangalan ng may-akda ng blog na ito?
" Mukha ba kong taga NSO?"
9. Saan siya nakatira?
" Hindi po ako mapa. Blog po ako"

10. Pwede bang magpapost?
" Ano ito radyo? Na parang nananawagan lang?"

11. Saan pwede makontak ang may-akda?
" Try mo sa telegrama. Sakaling marecieve niya."

12. May karugtung pa ba ito?
" Marami pa!Kaya balik ka ulit dito"