Buti na lang at nauso na ang mga digital camera at unlimited na ang pagkuha ng mga litrato. Hindi na kailangang bumili ng film. At hinidi na rin yung photo album ang kailangang ipasa sa bawat henerasyon dahil bawat miyembro ng pamilya at maging mga kapitbahay mo ay may kopya na nung mga moments niyo. Isang log-in lang at kita na sa buong mundo ang pagmumukha mo.
Pero paano mo masisiguro na pang-Pinoy Photography yung kuha mong litrato? Simple lang, sundin lamang ang mga sumusunod na tips.
TIP #1: Bago tuluyang sumabak sa walang humpay na pagkuha ng litrato, pag-isipan muna kung ito talaga ang gusto mo. Dahil kailangan mong maniwala sa kasabihang, “The photographer is always out of the picture”.
TIP #2: Kunan ng litrato ang mga pagkain. Ito ay hindi para magkaroon ng remembrance sa party kundi para magkaroon ng alaala sa kinatay na baboy at manok na pinatsibug sa mga tao.
TIP #3: Kung wala kang magawa, kunan din ng litrato yung plato mo. Para makita ng lahat na konti lang nakain mo dahil sa kakukuha ng mga litrato sa mamantikang mga mukha at labi nila.
TIP #4: Importante sa lahat ay kunan ng litrato yung mga celebrant. 'Yung may kaarawan ang kunan mo, hindi yung mga bisita. Kung kasalan, siyempre kunan ng litrato yung mga ikinasal. Pero kung lamay ang pinuntahan mo, aba, magdalawang isip ka muna kung kukunan mo ng litrato yung patay.
TIP #5: Sa mga birthday celebration, kunan ng litrarto yung cake, malay mo magpapatayo ka pala ng bakeshop mo at least my mga sample photos ka na kapag nagkataon.
TIP #6: Sa mga kasalan, kunan ng litrato yung lamesa kung saan nakapatong ang mga regalo. Pero kung kaunti lang ang regalo, huwag na lang baka magalit pa yung ikinasal kasi my magpapaalala sa kanila sa kaunti lang natanggap nilang regalo.
TIP #7: Kahit hinidi ka na mag-upgrade ng camera, pagtiyagaan mu na lang yung cellphone camera mo na 0.8 megapixel. Hindi rin naman ikaw yung kukunan ng litrato eh.
TIP #8: Huwag kunan ng litrato ang sarili, baka makunan ka.
TIP #9: Mas maganda kung panay stolen shot. Para makakuha ng mga ebidensiya kung sino ang pinakamalakas kumain, pinakapangit kung hindi nakangiti at mga nagbabaon ng supot.
TIP #10: Siguraduhing naka-charge yung camera. Mahirap ang ma-low battery baka tawagin ka pang kill joy.
1 comments:
funny... pero totoo..
Post a Comment
Thank you for visiting kuwentong palaboy.